Abante Tonite Interactive

4 riding in tandem pumatay

69

Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihang ­riding in tandem ang isang lala­king negosyante sa Navotas City pasado alas-­otso ng umaga kahapon.

Sakay ng kanyang mina­manehong owner-type jeep ang biktimang si Ral Gonzaga, 36-anyos, ng Brgy. Balagtas, Orion, Bataan kasama ang business partner na si Erlinda Macatunal, ­49-anyos, nang harangin sila ng mga suspek sa tapat ng Agora Public Market at pina­ulanan ng bala.

Bagama’t ­marami nang tama, nagawa pa uma­nong paandarin ni Gonzaga ang kanyang sasak­yan hanggang sa tapat ng isang bangko ngunit sinundan pa rin siya ng mga suspek at muling pinagbabaril.

Matapos matiyak na wala nang buhay ang biktima ay agad na tumakas ang mga suspek.

Isinugod pa ng mga concerned citizen ang biktima sa Tondo Medical Center ngunit namatay din ito habang ibinibiyahe.

Walang nakakilala sa mga suspek dahil mga naka-full face helmet umano ang mga ito nang umatake.