Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 sa `Dura-dura Gang’ timbog

0 73

Apat sa “Dura Dura Gang” na nambibiktima ng pasahero ng mga bus ang dinampot ng tauhan ng Manila Police District (MPD) kamakalawa sa Plaza Lawton, Ermita, Maynila.

Unang naaresto ng Lawton Police Community Precint, sina Jayson Libanin, 26-anyos at Mark Bactol, 30, alas-7:00 ng gabi sa loob ng isang transport bus.

Nabatid kay PMajor Virgilio Platon, block commander ng MPD-Lawton Police Community Precinct, sakop ng Station 5, nakatanggap sila ng tawag kaugnay sa pananalisi ng mga suspek sa loob ng bus.

Rumesponde sa lugar si Platon at naispatan ang dalawa sa bus patungo sa Liwasang Bonifacio kaya sinundan at positibo naman silang kinilala ng ilang biktimang pasahero.

Itinuga ng dalawa ang kasabwat nilang sina Richard Moreno, 39; at Erwin Obemio, 36, pawang taga-Sampaloc, Manila.

Alas-8:00 ng gabi nang mamataan sa may Blumentritt St., sina Moreno at Obemioa sa follow up operation nila PMajor Edward Samonte at PMajor Jake Arcilla, ng MPD- Special Mayor Reaction’s Team (SMaRT), kasama si Platon.

Habang inaaresto, tumakbo ang dalawa at sa paghabol ni Platon, nalaglag ang baril nito, pumutok at tinamaan siya sa paa, na nasa maayos namang kondisyon na. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.