Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 sa pamilya natagpuang bulok na bangkay

0 292

Apat na miyembro ng pamilya ang natagpuang patay sa Gardenville Subdivision, Barangay Tangub, Bacolod City ngayong Miyerkoles.

Kinilala ang mga biktimang si Jocelyn Espinosa, kapatid niyang si Gemma Espinosa, pamangkin na si Michael Espinosa at 6-anyos na anak.

Ayon sa ulat, tinawagan ng seaman partner ni Jocelyn ang kaibigan para tingnan ang kanilang bahay dahil tatlong araw na niyang hindi nakokontak ang mga biktima.

Nagtungo ang naturang kaibigan ng seaman sa bahay ng mga biktima at doon ay bumulaga sa kanya ang nabubulok nang bangkay ng mga ito.

Nakitang nakabalot ng kumot sina Jocelyn at Michael sa labas ng bahay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa sofa naman natagpuan ang bata habang si Gemma ay sa isang kubo na nasa likod ng bahay.

Ayon kay Police Maj. Joery Puerto, hepe ng Police Station 8, tila kilala ng mga biktima ang salarin dahil walang nakitang sapilitang pagpasok sa bahay.

Inalis din ang anggulong pagnanakaw dahil walang nawawalang gamit sa bahay ng mga biktima.

Pinaniniwalaang pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang mga biktima.

Mayroon na raw silang person of interest na isang kamag-anak ni Jocelyn, na madalas daw nitong batikusin. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.