Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 salvage victim, kinalat sa QC

0 138

Apat na hinihinalang biktima ng ‘summary execution’ ang magkakahiwalay na natagpuan sa loob ng 24-oras sa Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), alas-2:00 ng madaling araw ay dalawang bangkay ng di-kilalang lalaki ang natagpuan sa Katipunan Avenue, QC.

Ang dalawang salvage victim ay kapwa nakaposas, nakadapa at tadtad ng bala mula sa di-pa batid na kalibre ng baril.

Isa ring bangkay ng lalaki na nakaposas din ang magkabilang kamay at tadtad ng bala ng baril ang katawan ang natagpuan naman sa Fairview.

Habang dakong alas-6:30 ng umaga, isa pang biktima ng salvaging ang natagpuan sa may Cubao at ito ay nakalagay naman sa sako at may tama bala sa ulo at katawan.

Nabatid sa residente, hindi tagaroon ang mga biktima dahil walang nakakakilala sa mga ito.

Agad namang pinakilos ni QCPD Director PBrig. Gen. Ronnie Montejo ang mga imbestigador ng CIDU at mga operatiba ng Anti- Criminal Unit ng QCPD upang papanagutin ang nasa likod ng serye ng ‘summary execution’ sa lungsod. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.