Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 siyudad sa NCR mabilis dapuan ng COVID

0 90

Itinuring ngayon ng OCTA Research ang mabilis na pagkalat ng COVID-19 sa apat na syudad ng Metro Manila.

Sa inilabas nilang datos, naging mabilis ang ‘reproduction’ ng virus sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon kay OCTA Professor Guido David, naitala nila ang 91% na pagtaas ng kaso sa Pasay City, 58% sa Quezon City, Maynila at Makati City.

Masyado umanong nakakaalarma ang datos na ito sa kabila ng mahigpit na ‘safety protocols’ sa lahat ng mga pampublikong lugar. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.