Abante Tonite Interactive

4 SMB player nagrambol

1,142

Santos, Tubid vs Wells, Nabong

Nabalot ng matinding problema ang San Miguel Beer pati na rin ang hinahangad nitong pagkumpleto sa Grand Slam II tapos magkasuntukan ang apat na manlalaro habang nag-eensayo Linggo ng umaga sa Upper Deck Sports Center sa Pasig City.

Ilang mga nakasaksi ang ‘di napigilang ibalita ang kaguluhan sa socmed na sumiklab sa matinding pick ni Arwind Santos sa tinamaan at bumagsak na si Dezmine Wells na naging dahilan upang magkagulo sa ensayo.

‘Di maitago ni Leo Austria ang pagkadismaya. Pero sinapantaha dahil sa pagnanais ng Beermen makamit ang mithiin ng team.

“Siguro, dahil lahat gusto manalo kaya mataas ang tensiyon,” matipid na reaksiyon ng Beermen coach

Una nang inawat ng mga kakampi sina Wells at Santos. Pero muling sumiklab ang away nang sapakin ni Ronald Tubid si Wells, kilalang matalik na magkaibigan sina Santos at Tubid.

Umeksena rin si Kelly Nabong nang iresbak si Wells kay Tubid saka lang nasawata ang mas lalala pa sanang gusot. Sakto ang gulo sa selebrasyon ng ika-30 kaarawan pa ni June Mar Fajardo.

Narito pa rin si Wells dahil sa nais pang ibalik sa lineup ng SMB dahil sa may kahinaan si John Holland pagsapit ng PBA Governors’ Cup playoffs.
‘Di naman makakalusot sa PBA ang nangya­ring sapakan sa ensayo ng San Miguel sa Upper Deck Sports Center nitong Linggo ng umaga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, kanilang titingnan ang posibilidad na may maparusahan sa nasabing insidente na kinasangkutan nina Kelly Nabong, Arwind Santos, Ronald Tubid at import Dez Wells.
“Titignan natin kung may video. Kung meron, saka tayo magdedesisyon,” ani Marcial.

Nagsimula ang fistfight nang magbigay ng solidong pick si Santos kung saan natamaan at bumagsak si Wells.

Nagkaroon ng kiskisan sa dalawa ngunit na­ging maayos din, nang big­lang umentra si Tubid at sinapak si Wells.

Ginanti naman ni Nabong si Wells at doon na nagkagulo. (Lito Oredo/­Vladi Eduarte/Ray Mark Patriarca)