Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 sports car bumulaga sa ukay-ukay

0 343

Nasabat ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang apat na sports car na tinatayang nasa P10 milyon ang kabuuang halaga na tinangkang ipuslit matapos daganan ng mga ukay-ukay sa Port of Manila kamakalawa.

Nalaman na may natanggap na impormasyon ang Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa Manila International Container Port (MICP) nitong Miyerkoles kaugnay sa iligal na shipment na idineklarang mga automotive spare parts.

Isinailalim umano sa pagsisiyasat ang mga container van at nadiskubre na tinakpan ng mga ukay-ukay na damit ang apat na sports car.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nakita sa loob ng container van matapos tanggalin ang mga ukay-ukay ang isang Porsche Boxster, Mercedes Benz SLK at dalawang unit ng Toyota MR-S.

Nakapangalan umano ang mga sports car sa JLFDM Consumer Goods Trading at nagmula sa Japan.

Nabatid na may warrant of seizure and detention ang mga shipment dahil sa paglabag sa Section 1400 ng Republic Act No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.