Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 staff ng mga senador positibo sa COVID-19 – Zubiri

0 326

Imimungkahi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na magpatupad ng lockdown sa Senado matapos magpositibo sa coronavirus (COVID-19) ang apat na staff ng tatlong senador nitong nagdaang linggo.

Sa panayam ng mga reporter, sinabi ni Zubiri na isa sa apat na nagpositibo ay staff niya habang ang iba ay mula sa tanggapan ng dalawa pang senador.

“They were all working in the Senate as skeletal force so mukhang hindi pa nafu-fully sanitize yung Senado,” pahayag ni Zubiri.

“I think we have asked the Senate President last Monday to do a lockdown again to sanitize the area dahil sa nangyari po sa aming staff,” dagdag pa nito.

Ayon kay Zubiri, dapat isara muna ang gusali ng Senado para ma-disinfect mabuti at kailangan din mas paigtingingan pa ang quarantine protocol.

“Sa dami pong natamaan ng COVID-19 na nagtatrabaho sa Senado, talagang dapat mag-shutdown muna ang Senado disinfect muna lahat and go back to stricter quarantine protocols,” ani Zubiri.

Subalit giit ni Senate President Vicente Sotto III, hindi maaring kailangang magpatupad ng complete lockdown sa Senado.

“It’s [Senate Secretary] Myra [Villarica’s] call. But as I said before, we cannot have a total lockdown because the payroll of all employees cannot be done by the authorities at home or elsewhere,” pahayag ni Sotto sa kanyang viber message.

“Semi-lockdown only possible otherwise maraming magugutom,” sambit pa nito.

Sa kabuuhan, umabot na sa 20 kawani ng Senado ang nahawaan ng virus kung saan dalawa na ang namatay habang ang iba naman ay gumaling na.

Noong Hunyo, nagpatupad ng “semi-lockdown” sa Senado matapos magpositibo sa COVID-19 ang dalawang kawani nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.