Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 sundalong napatay sa Sulu astig sa intel operation

0 380

Hindi mga ordinaryong sundalo ang apat na miyembro ng Philippine Army na nasawi sa kamay ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa Jolo, Sulu.

Base sa source ng Abante mula sa intelligence community, mga highly skilled military operatives ang mga nasawi na nagsasagawa ng signal surveillance nang parahin sila sa police checkpoint sa Brgy. Walled City sa Jolo.

“Signal surveillance is a technical intelligence gathering carried
out by specialized operatives using special gadgets,” sabi ng source.

Dagdag pa ng source, highly skilled sa surveillance at intelligence gathering ang mga napatay na sundalo at mayroong malalim na pagsasanay sa covert operation.

Kinilala ang mga nasawi na sina Major Marvin Indamog, commanding officer ng 9th Intelligence Service Unit; Capt. Irwin Managuelod; Sgt. Eric Velasco; at Cpl. Abdal Asula.

Parehong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) sina Indamog at Managuelod. (Nancy Carvajal)

Leave A Reply

Your email address will not be published.