Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 taon drug war: 9K bigtime timbog, 5K todas

0 289

Umabot na sa 9,000 high-value target ang arestado habang mahigit 5,000 ang napatay sa pinaigting na kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga mula kalagitnaan ng 2016 hanggang nitong Mayo 2020, batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Huwebes.

Sa infographics na inilabas sa kanilang Facebook page, sinabi ni PDEA spokesperson Derrick Carreon na 9,350 HVT na ang kanilang nasakote mula Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2020.

Kabilang dito ang 3,680 HVT na nasakote mula sa mga malalaking operasyon,

2,697 target-listed suspect, 735 drug group leader/member, 376 empleyado ng gobyerno, 320 elected official, 261 dayuhan, 217 na kasama sa wanted list, 90 uniformed personnel, 62 miyembro ng armadong grupo, at 10 kilalang personalidad.

Sa nasabing panahon, timbog din ang 245,135 katao na sangkot sa iligal na droga.

Base naman sa pinagsamang report hanggang nitong Mayo 2020, mayroon nang 5,722 suspek sa droga ang napatay mula sa 168,525 anti-illegal drug operation.

Mula Hulyo 2016 hanggang Mayo 2020, nasa 3,160 menor de edad na ang naaresto: 1,760 ang tulak, 846 ang nahulihan ng droga, 152 ang nasakote sa drug den, walo ang maintenance ng drug den, 11 ang nagtatrabaho sa drug den, 2 cultivator, at isang runner.

Kabuuang 546 drug den ang sinalakay at 14 ang nadiskubreng shabu laboratory sa nasabing panahon.

Umabot naman sa P43.58 bilyong halaga ng iba’t ibang klase ng droga ang nasamsam. Kabilang dito ang P34.18 bilyong shabu.

Hanggang noong Mayo 31, 2020 ay nasa 18,82 mula sa 42,045 barangay sa bansa ang dineklarang malinis na sa droga. Kabuuang 15,388 barangay pa ang kailangang linisin sa droga. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.