Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 testigo sa PhilHealth korapsyon – Sotto

0 275

May tatlo hanggang apat na katao ang nakahandang tumestigo sa alegasyon ng korapsiyon sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), ayon kay Senate President Vicente `Tito’ Sotto III.

Isa sa mga testigo ay ang nagbitiw na anti-fraud legal officer ng ahensya na si Thorrsson Montes Keith.

“The investigation will not just be focusing on one witness. There will be three or four other witnesses and I am now receiving issues from different groups and different associations against the way PhilHealth is being run,” pahayag ni Sotto sa virtual press conference.

Umaasa si Sotto na sa pamamagitan ng malakas na ebidensiyang ilalabas sa gagawing imbestigasyon ng Senado sa PhilHealth, magreresulta ito sa pagpapakulong ng ilang tiwaling opisyal ng ahensiya.

“Last time, noong pinag-uusapan itong mga issues ng PhilHealth, puro alegasyon na walang ebidensya,” ani Sotto. “Ngayon, ang inaasahan ko sa imbestigasyon ay makukumpleto ang ebidensya at saka ang imbestigasyon ay hindi lamang mase-center sa isa, dalawang issue kundi malawakan,” sambit pa nito.

Nanawagan din ito sa iba pang indibiduwal na may hawak na ebidensya na lumantad at patunayan ang iregularidad sa PhilHealth. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.