Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 timbog sa P306K shabu

0 302

Tiklo ang apat na tulak na nakuhanan ng P306,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, Sabado ng gabi.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang mga naaresto na sina Willy Flores, 35; Chanda Guarin, 42; Danila Sijub, 21; at Jesus Vargas, 46. Ikinasa ang operasyon sa bahay nina Flores at Guarin, alas-8:30 ng gabi.

Isa sa asset ang umiskor ng isang maliit na plastic sachet ng shabu sa suspek. Matapos na makabili ng droga dito na hinuli ang mga suspek, kasama sina Vargas at Sijub na naroon din sa lugar.

Nasasam sa kanila ang 45 gramo ng shabu na may street value na P306,000. Isinailalim sa inquest proceeding ang mga nahuli para sa mga kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.