Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 todas sa nagliyab na sasakyan

0 88

Apat ang nasawi matapos magkabanggaan ang dalawang delivery wing van truck sa national highway na sakop ng Barangay Sagua Banwa, Valladolid, Negros Occidental nitong Martes ng hatinggabi.

Kinilala ang mga biktimang si Wendel Larios, van driver, at utol niyang si Carlo, kapwa taga-Mabinay, Negros Oriental.

Nasawi rin ang isa pang van driver na si Diany Garcia at helper na si Evel Elostrisimo.

Ayon sa ulat, na-trap ang apat na katao sa loob ng dalawang delivery truck nang magkaroon ng head-on collision na nagresulta sa pagsiklab ng apoy.

Lumipat umano ang isang van sa kabilang lane kaya sumalpok sa kasalubong na van bandang alas-12:15 ng hatinggabi. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.