Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 trabahador nabagsakan ng bakal sa NLEX connector

0 214

Apat na construction worker ang sugatan matapos bumigay ang mga bakal mula sa ginagawang NLEX-SLEX connector sa Blumentritt, Sta. Cruz, Maynila nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente ng alas-4:30 ng hapon.

Kinakabit umano ng mga biktima ang mga bakal na pinaghuhulmahan ng ginagawang poste para sa NLEX-SLEX connector nang bumigay ang pinagdudugtungan nito at tumama sa mga construction worker.

Nagtamo ng minor injuries ang mga biktima at agad isinugod sa isang ospital.

Ang proyekto ay walong kilometrong toll road na magkokonekta sa North Luzon Expressway at South Luzon Expressway.

Nilinaw naman ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na ang insidente ay hindi nangyari sa LRT-1 Blumentritt station, base sa unang napaulat. Ang insidente ay nangyari 20 metro ang layo sa istasyon ng tren.

“LRMC would like to assure that the company upholds the highest safety standards and remains committed in running the LRT-1 system safely for Filipino commuters,” ayon pa sa pahayag ng LRMC

(IS/Juliet de Loza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.