Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 treasure hunter nalibing ng buhay

0 151

Pinaniniwalaang nalibing ng buhay ang apat na treasure hunter matapos silang ma-trap sa gumuhong pinasukang tunnel na may lalim na halos 100 talampakan Linggo ng umaga sa Santo Tomas, Davao del Norte.

Nitong Lunes, ang rescue operation na isasagawa sa mga biktima ay naging retrieval operation nang walang anumang buhay na nasagip sa ilalim ng tunnel sa Barangay Kinamayan ng nabatid na bayan.

Kinilala ang mga biktima na sina Kayl Castañares, 18; Jerick Marquez, 23; Dindo Pañares, 18, at Rustom Racho, 18-anyos.

Ayon kay Santo Tomas Municipal Information Officer Mart Sambalud, nagsagawa ng treasure hunting ang mga biktima at pasukin ang tinatayang 96 talampakang lalim na tunnel.

Sa hindi inaasahang pangyayari, gumuho ang ilang bahagi ng tunnel alas-10:00 ng umaga dahilan upang ma-trap ang mga ito sa loob.

Mabilis namang naiulat ang insidente ng isang Hernan Castañares, may-ari ng lupang pinaghukayan ng tunnel at pinsan ng isa sa mga biktima.

Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang MDRRMO, Bureau of Fire Protection, Santo Tomas, PNP Santo Tomas, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Special Rescue Unit-Davao, BFP Kapalong subalit dahil sa lalim ng tunnel ay nahirapan silang pasukin ito. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.