Abante Tonite Interactive

4 tulak, 21 sabungero kinalawit sa Bulacan

434

Halos magkakasunod na nasakote ang 24 katao sa magkakahiwalay na police operation laban sa iligal na droga at iligal na tupada sa Bulacan kamakalawa ng hapon.

Sa report ni Baliwag Police chief Major Avelino Protacio, nakilala ang apat na naarestong suspek sa droga na sina Wilson Austria alyas `Ito’ at

Paulo dela Cruz, kapwa residente ngBrgy, Concepcion, Baliwag; Jeremias Arcega at Jerome Castillo, pawang taga-Brgy. Poblacion, Norzagaray.

Bandang alas-sais nang gabi ikinasa ang buy-bust ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa Brgy. Concecion, Baliwag at kanilang nadakip ang dalawang tulak na sina Austria at Dela Cruz.

Pasado alas0singko din ng hapon kamakalawa nang makorner sina Arcega at Castillo sa entrapment operation ng mga element ng Station Drug Enforcement Unit ng Norzagaray Police.

Nasamsam sa mga suspek ang 10 pakete ng sabu at narekober din ang buy-bust money.

Samantala, 21 sabungero na pasaway sa enhanced community quarantine ang nakorner ng mga pulis matapos salakayin ang isang tupadahan sa Meycauayan City.

Apat na panabong ang kinalawit din ng mga pulis at mayroon pang tatlong patay na manok, tari at P3,600 cash.

Pawang nakakulong ngayon ang mga suspek.

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine ay patuloy ang kampanya ng kapulisan laban sa iligal na droga at iba pang police operation partikular ang pag-aresto sa mga pasaway na sugarol. (Jun Borlongan)

Tonite – Wendys Inhouse Ad