Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 tulak tiklo sa P1M shabu

0 166

Arestado ang apat na tulak ng iligal na droga sa buy-bust operation ng Manila Police District-Police Station 7.

Kabilang sa mga naaresto sina Sahawi Bassit, alyas ‘Imam’, 46; Taras Malambut, 18; Jerry Maulana, 36, security guard; at Rahma Maulana, 34. Ikinasa ang buy-bust alas-8:15 kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

SM food to go Banner Ad

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 sachet ng shabu na tinatayang nasa 155 gramo na nagkakahalaga ng P1,054,000 at P500 buy bust money.

Kulong ang mga suspek habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.