Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 tumba sa Nueva Ecija buy-bust

0 282

Dalawang gunrunner at dalawang drug pusher ang pawang napatay sa magkakasunod na buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa Nueva Ecija nitong Linggo.

Batay sa mga ulat na nakarating sa tanggapan ni PColonel Jaime Santos, OIC provincial director ng Nueva Ecija, nakilala ang mga napaslang na sina Michael Rivera, residente ng Brgy. Imelda; Samuel Sebastian Catacutan, residente ng Brgy. Camp Tiñio; Ricky Samin, ng Brgy. Bantog Norte, at isang alyas ‘Miko’, na pawang mula sa Lungsod ng Cabanatuan.

Ayon kay PLt. Col. Barnard Danie Dasugo, alas-12:40 ng hatinggabi, nang mabentahan nina Rivera at Miko ng caliber 38 revolver sa Purok 6, Brgy. MS Garcia, Cabanatuan ang mga operatiba na pinamunuan ni PMajor Angelito Manalastas. Gayunman humantong sa pagkakapatay sa 2 gunrunner ang nangyaring enkuwentro.

SM food to go Banner Ad

Napasabak naman dakong ala-1:40 ng madaling-araw si Catacutan sa buy-bust na nailatag sa Purok Amihan, Brgy. Barrera, Cabanatuan City.

Samantalang dakong alas-4:00 ng madaling-araw napaslang sa Brgy. Mapangpang, Lupao, Nueva Ecija si Samin sa tropa nina PCapt. Ronan James Eblahan.

Pawang nakunan din ng tig-isang caliber 38 at tig-isang sachet ng shabu sina Catacutan at Samin. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.