Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 VMCC staff nahilo, namantal sa Sinovac

0 283

Wala namang iniulat na grabeng side effect ng bakunang gawa ng Sinovac sa unang araw ng pagtuturok sa mga health worker nitong Lunes maliban sa mga minor incident ng pagkahilo at pamamantal.

Base sa ulat, apat na katao sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City ang nahilo at sumama ang pakiramdam matapos na maturukan ng Sinovac vaccine.

Subalit sinabi ni Dr. Ramon Mora, post-vaccination observation team leader ng VMMC, walang dapat ipangamba sa nangyari dahil maayos na ang lagay ng lalaking tinurukan makaraang ma-screen.

Paliwanag ng doktor, tila balisa o anxious ang lalaki bago turukan.

“Ang ayaw na ayaw naming `yong may mahihirapan huminga… Ninerbyos lang takot sa karayom,” ayon kay Mora.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaugnay nito, isa namang lalaking staff ng Department of National Defense (DND) ang agad ding isinakay sa ambulansiya matapos na sumakit umano ang ulo at tumaas ang blood pressure matapos na turukan ng bakuna.

Habang isa naman babaeng kawani rin ng DND ang nagkaroon ng mga rashes o pamamantal at isa naman ang nagkaroon ng ‘palpitations’ matapos bakunahan.

Batay naman sa paliwanag ng attending physician, ang mga nasabing sintomas ng mga naturukan ay isa lamang mild side effects.

“The symptoms may have also been caused by other factors such as anxiety about vaccination,” giit ng doktor. (Dolly Cabreza/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.