Abante Tonite
Mabilis sa Balita

4 walang face mask na Chinese, kinasuhan

0 94

Pormal na kinasuhan ang apat na Chinese national na naaresto na walang suot na face mask at face shield noong Biyernes ng gabi habang naglalakad sa CLSU road, sakop ng Brgy. Bantug, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Colonel Marvin Joe Saro, NE police director, nakilala ang naarestong sina Zhanhao Xia, 28, residente ng Henan, China; Xuelin Dai, 36, ng Anhui, China; Renkai Lu, 22, at Tianchen WuA, 25, kapwa taga-Jiangsu, China.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na alas-9:00 ng gabi, nagpapatrulya ang mga tauhan ng city police sa pamumuno ni PLt. Sherwin Veloria nang matiyempuhan ang 4 na Intsik na nagsabing pansamantalang naninirahan sa Makati City.

Dahil sa hirap makasagot sa pag-uusisa ng mga pulis ay hindi naipaliwanag ng mga naaresto kung bakit sila napunta sa naturang lugar.

Nang hanapan ng mga quarantine at travel pass at walang maipakita ay kinasuhan ang mga ito. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.