Abante Tonite Interactive

40 nagyoyosi dinakma

261

Dinampot ng mga awtoridad ang 40-katao na tinaguriang mga ‘yosi kadiri’ o naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Quezon City kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling-araw.

Sinabi ni P/Supt. Giovanni Caliao, hepe ng Cubao Police Station, ang 40 ay kanilang nahuli na aktong naninigarilyo sa iba’t ibang bahagi ng Cubao habang nag-aabang ng kanilang masasakyan.

Sa report, alas-sais pa lamang ng gabi ay 10 katao na ang nadakip nila sa kahabaan ng Aurora Blvd. at umabot ng 40 katao pagsapit ng alas-tres ng madaling-araw sa iba’t ibang pangunahing lansangan sa Cubao, Quezon City.

Ang mga nadakip ay agad na binigyan ng ‘environmental violation receipt’ at isinailalim sa ‘profiling.’ Pinagmumulta din sila sa Quezon City Hall ng P1,000.

Ayon kay Caliao, kung ­hindi babayaran ng mga nahuli ang kanilang multa ay lilitaw ang violation sa kanilang records sa sandaling ­kumuha sila ng police clearance.