Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40 pamilya nasunugan sa Baseco

0 295

Nawalan ng tahanan ang nasa 40 pamilya sa naganap na sunog dahil sa umano’y naiwang kandila kamakalawa ng hatinggabi sa Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Nagkakanlong ngayon sa evacuation area ang mga nasunugan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Manila Bureau of Fire Protection, ika-11:03 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay ng pamilya Servantes sa may No. 482 Block 9 Tambakan, Baseco Compound. Agad na kumalat ang apoy sa katabing bahay na pawang gawa sa light materials.

Alas-11:13 ng gabi nang ideklara ang ikalawang alarma na nirespondehan ng 15 fire trucks buhat sa BFP at 20 buhat sa mga volunteer fire brigades.

Wala namang nasawi o nasaktan at tinatayang nasa P150K ang napinsalang ari-arian. (Juliet de Loza -Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.