Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40 pang exec dawit sa PhilHealth scam

0 420

Marami pang anomalya ang nahukay ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na mayroon pang 40 opisyal ng PhilHealth ang panibagong iniimbestigahan dahil sa iba’t ibang natuklasang anomalya sa ahensiya.

Kabilang sa mga sentro ng imbestigasyon ay mga miyembro umano ng PhilHealth Board of Directors at mga regional executive.

“We have I think around 40, as I checked noong nakalipas na linggo. 40 names being investigated ng PACC,” ani Belgica.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Inisa-isa rin ni Belgica ang mga iniimbestigahan pa nila sa PhilHealth kabilang na ang overpriced COVID-19 testing package, overpriced IT project at ang pagpasok sa stock investment na hindi umano dapat ginawa.

“Mayroon pa kaming pending investigation sa PhilHealth bagamat natapos na ang submission natin sa Task Force. Una, `yong overpriced COVID-19 testing package, pangalawa `yong sa overpriced IT projects, pangatlo doon sa PhilHealth common stock investment scam. Ito po ay nakitaan ng P865 million of the P1 billion initial investment na ibinigay ng PhilHealth sa common stock,” dagdag ni Belgica.

Binigyang-diin pa nito na wala sa PhilHealth Charter na mag-invest sa common stock kaya malinaw na walang kapangyarihan ang mga opisyal ng ahensiya para gawin ito.

Kasama rin sa iniimbestigahan ng PACC ay ang kinikita umano ng ahensiya na pinaghahati-hatian ng mga miyembro ng PhilHealth Board.

“And then allegations na `yon pong kinikita ay pinagpaparte-partehan allegedly ng mga Board of Directors so tuloy-tuloy ang imbestigasyon diyan. Wala kaming pinaliligtas, hindi pa tapos ang aming imbestigasyon,” wika ni Belgica. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.