Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40 pasahero ng flight galing Metro Manila sa coronavirus positive

0 115

Lumabas sa ginawang testing na positibo sa COVID-19 ang 40 sa 349 airline passenger mula sa Metro Manila na dumating sa Davao City.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kinumpirma ito ni Davao City Mayor Sara Duterte sa isang panayam sa radyo kahapon. Aniya, Setyembre 21 nang dumating sa lungsod ang mga pasahero na pawang asymptomatic, dahil dumaan naman umano ang mga ito sa screening sa Ninoy Aquino International Airport.

Binabantayan na sa ngayon ng mga health authority sa lungsod ang mga nagpositibong pasahero. Giniit naman ng alkalde na ang insidenteng ito ay patunay na kailangang ipatupad ang swab testing gamit ang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) upang mabawasan ang exposure sa mga positibong kaso sa pagdating nga mga ito sa airport.

Leave A Reply

Your email address will not be published.