Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40 pasaway sa Cavite hinawla

0 447

FEELING normal na ang sitwasyon, ipinakita ng mga alagad ng batas sa Cavite na nasa ilalim pa rin ng Community Quarantine ang probinsiya ng Cavite matapos pagdadamputin ang tinatayang apatnapu’t katao na mga pasaway.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO) tatlumpo’t katao ang dinampot sa pagitan ng alas-3:00 kamakalawa ng hapon hanggang alas-10:00 kamakalawa ng gabi dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa bayan ng Rosario, Cavite.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Bacoor City, Cavite, apat na katao ang hinuli dakong alas-4:00 kahapon ng madaling araw dahil sa paglabag sa curfew bukod pa sa hindi pagsusuot ng facemask.

Hindi rin makaligtas ang anim na katao nang damputin sila ng mga operatiba ng Naic Municipal Police Station dakong alas-3:00 kamakalawa ng hapon sa Naic, Cavite dahil sa hindi pagsusuot ng facemask. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.