Abante Tonite
Mabilis sa Balita

400 deboto lang kada misa sa Quiapo Church

0 62

Hanggang 400 deboto sa kada misa ang papayagang makapasok sa Quiapo Church para sa kapistahan ng Poong Nazareno sa Sabado.

Ayon kay Alex Irasga, miyembro ng Technical Working Group ng Traslacion 2021, magkakaroon ng 15 misa sa Enero 15 at hindi nila papayagang madagdagan pa ang bilang ng mga deboto na papapasukin sa simbahan para sa kada misa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pinayuhan nito ang ibang hindi makakapasok sa Quiapo Church na dumalo na lamang sa mga misa na gaganapin sa mga simbahan sa Sta. Cruz at San Sebastian.

Maglalagay din umano sila ng mga LED screen sa paligid ng simbahan para mapanood at marinig ng mga tao sa labas ang ginaganap na misa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.