Abante Tonite Interactive

400 iindak sa DSCPI 1st qrtr qualifying

By
0 104

Iindak ang Dance­Sport Council of the Phi­lippines, Inc. 2019 DSCPI 1st quarter competition sa Sabado, Marso 16 sa Ballroom Hall, Valle Verde Country Club, Pasig City.

Ayon kahapon kay DSCPI President Rebecca Garcia, nasa 400 ang mga sasayaw mula sa iba’t ibang lugar sa kapuluan para sa ranking at selection sa mga isasali ng bansa sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa sa Nob. 30-Dis. 11.

Dadalo rito ang mga licensed adjudicator ng World DanceSport Fe­deration na sina Foo Yoong Chen ng Malaysia, Valeriy at Galina Gulay ng Russia, Yoshikazu Ina­zawa ng Japan, Marcel Keijzer ng Netherlands, Jae Ho Kim ng South Korea, Hong Thi Nguyen ng Vietnam, Lubos Novotny ng Czech, Jun-de Jiang at Sheng-Wei Lin ng Taiwan, at Karl Olivier Alba ng Canada.

Mabibili ang mga ticket sa DanceSport Training Center, PhilSports Complex, Meralco Ave., Pasig o sa entrance ng Ballroom ng VVCC.