Abante Tonite Interactive

400 kabayo napilitang ibenta ng mga bakwit sa Batangas

414

May 400 kabayo sa Taal ang ibinibenta ng mga may-ari na namamalagi sa iba’t ibang evacuation center sa Batangas.

Ang mga kabayo ay nabatid na ipinagbibili sa mga slaughterhouse sa halagang P15,000-P30,000.

Habang ang iba naman na kabayo ay inampon pansamantala ng ilang may mga farm.

Nananawagan ang mga may-ari ng mga kabayo sa ibang may-ari na pansamantalang ampunin muna kung hindi mabili ang kanilang mga kabayo habang hindi pa bumabalik sa normal ang kanilang pamumuhay.

Isang may farm sa Batangas ang pumayag na ampunin­ muna ang may 50 kabayo.

Nalaman sa isang veterinarian na si Jay Tolentino ng Department of Agriculture’s Emergency Livestock Rescue Center sa Lipa City marami na sa mga kabayo ang nagkaroon na ng respiratory track infection matapos na malanghap ang ashfall.

Nabatid na maraming­ kabayo at baka ang pansamantalang kinakanlong sa DA sa may Lipa City. (Juliet de Loza-Cudia)