Abante Tonite
Mabilis sa Balita

$400 kada OFW na sapol ng COVID sa Hong Kong

0 158

Tiniyak ng Malacañang kahapon na mabibigyan ng ayuda ng gobyerno ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nagpositibo dahil sa pagsirit ng COVID-19 sa Hong Kong.

Sinabi ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na kasalukuyan nang tinutulungan ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Hong Kong ang mga OFW na nagpositibo sa virus.

“Our POLO immediately provided them with food, hygiene kits and power banks to allow them to communicate while waiting for calls from the Center for Health Protection and HK Labor Department,” ayon kay Nograles.

Nakipag-ugnayan na rin aniya ang POLO Hong Kong sa isang non-government organization para magkaroon ng isolation facility para sa mga nagka-COVID na OFW.

Nagkaloob aniya ang POLO ng US$200 para sa tulong pinansiyal sa bawat OFW na gumaling na matapos dapuan ng COVID at makakatanggap din ng tig-US$200 mula naman sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

SM food to go Banner Ad

Samantala, inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon na nasa 41 OFW na ang tinamaan ng COVID sa Hong Kong at karamihan sa kanila mga tapos na rin ang kontrata.

Nabatid na pang-limang `wave’ na ngayon ng COVID sirit sa Hong Kong sanhi ng Omicron variant.

Ayon kay DOLE Assistant Secretary at International Labor Affairs Bureau (ILAB) chief Alice Visperas sa isang virtual forum kahapon, mula sa 41 kaso, walo ang gumaling na, tatlo ang babalik sa kanilang mga employer habang tatlo pa ang uuwi na sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Visperas na mahigit 220,000 ang mga OFW sa Hong Kong at karamihan sa mga ito ay mga domestic worker. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.