Abante Tonite Interactive

400 patient with disabilities sosorpresahin ng Rotary Club of St. Ignatius

308

Inaasahang magdudulot ng kaligayahan ang inihahandang carnival themed childrens party ng Rotary Club of St. Ignatius para sa mga batang patient with disabilities ng Barangay Commonwealth, Quezon City.

Bilang pagdiriwang ng ikasampung anibersaryo ng pagkakatatag ng Rotary Club of St. Ignatius District 3780, hahandugan ng kanilang pamunuan ang may 400 patient with disabilities, na may edad 6-13, ng isang espesyal na kasayahan sa darating na Pebrero 25, 2020.

Sa pahayag ni Mor­yula Geru M. Oliveros, president-elect ng Rotary Club of St. Ignatius, isa sa mga pangunahing mithiin ng isang Rotarian ang matibay na pamamahagi ng paggawa ng kabutihan at pag-unawa sa kanilang komunidad.
May temang ‘A decade of love and service’, magsisimula ang carnival children’s party ganap na alas-9:00 nang umaga sa MRB Sports Complex, Brgy. Commonwealth.

Makakatuwang ni Oli­veros si Rotary of St. Ignatius Champion of Service President (CSP) Jerome D. Oliveros.

Tiyak na matutuwa sila dahil para sila talagang nasa carnival na may train ride, mayroon din mga malaking inflatable slide, clown, game booth, balloon twisting, juggler, ma­gic show. Bukod sa buffet lunch, mayroon din silang cotton candy, ice cream at popcorn na makakain habang nagpa-party, dagdag pa ng president-elect. (Dolly Cabreza)