Abante Tonite
Mabilis sa Balita

400 Pinoy caregiver biyaheng Israel

0 190

Sa kabila ng kaguluhan sa Israel ay nasa 400 home-based caregiver na Pinoy ang nakatakdang ipadala sa naturang bansa bago matapos ang buwan ng Mayo, ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, siniguro sa kanila ng gobyerno ng Israel na ang mga caregiver ay itatalaga sa parte ng bansa na malayo sa kaguluhan na hatid ng bakbakan ng kanilang military at grupong Hamas.

Dagdag pa niya, wala pang abiso ang gobyerno ng nasabing bansa tungkol sa pagba-ban ng pagpasok ng Pinoy workers.

Hindi rin daw pababayaan ang mga ipapadalang caregiver at aasikasuhin naman ang kanilang pag-uwi kung lalaki pa ang tensiyon sa Israel. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.