Abante Tonite Interactive

400 pulis kinalat sa ‘kaldero’ quarantine

232

May 400 pulis ang ikinalat sa pali­gid ng New Clark City sa ­Capas, Tarlac kung saan naka-quarantine ang 445 overseas Filipino worker (OFW) na umuwi mula sa isang cruise ship na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Yokohama, Japan.

Ayon kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Rhodel Sermonia, simula pa noong Lunes ng gabi ay nagbabantay na ang nasabing bilang ng mga pulis sa Athletes’ Village sa New Clark City.

Batay sa pahayag ni Sermonia, inatasan ang mga pulis na magsagawa ng maximum tole­rance security sa paligid at maging alerto upang masiguro sa publiko ang kaayusan at katiwasayan sa lugar.

Ang 445 OFW ay mula sa M/V Diamond Princess na dumating sa Clark Air Base Martes ng gabi sa pamamagitan ng dalawang chartered flight dakong alas-10:00 ng gabi at alas-12:00 ng hatinggabi.

Kabilang sa 445 OFW ay mga cruise ship crew, pasahero, medical team, at flight crew na nakatakdang tumigil ng 14 araw sa Athletes’ Village bilang quarantine period. (Edwin Balasa)