Abante Tonite
Mabilis sa Balita

400 taon imahen ng Sto. Niño nawawala

0 284

Iniimbestigahan na kung ninakaw o kasamang natupok ng apoy ang 400-taong imahen ng Sto Niño de Pandacan sa Maynila sa nangyaring sunog noong Biyernes.

Nanawagan naman ng dasal ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila na si Bishop Broderick Pabillo sa mga parishioner at sa publiko para agad itong makabangon. Sa panayam sa Radyo Veritas nagpasalamat si Pabillo at walang namatay o nasugatan sa insidente at walang katabing bahay ang nadamay sa sunog.

Natupok ng apoy ang malaking bahagi ng simbahan. Nasunog rin ang maraming mga kagamitan gaya ng mga upuan at maging ang ilang sagradong imahen.

Maraming parishioner ang nalungkot sa pangyayari lalo’t naghahanda na sana sila para sa unang misa sa Linggo kung saan puwede nang magsimba ang mas maraming deboto sa loob ng simbahan. Pero hindi muna matutuloy iyon dahil sa sunog na nangyari. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng gusali at umabot ng ikatlong alarma bago naapula. Inaalam pa rin ang sanhi ng sunog. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.