Abante Tonite
Mabilis sa Balita

400 virus patient binigyan ng blood plasma, gumaling

0 76

Nasa 429 COVID-19 patient na nakatanggap ng convalescent blood plasma ang gumaling na ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo nitong Biyernes.

Aniya, “526 patients have been given convalescent plasma and of this, 429 have recovered. Medyo maganda naman [ang results].” Pero sa kabila nito, kailangan pa umano ng masusing pag-aaral para malaman kung maaaring panggamot ang blood plasma sa COVID-19.

“Of course the scientific analysis of the study will have to be done. Siyempre iba iba naman ‘yung status ng pasyente, ‘yung mga protocol hindi pare-pareho,” dagdag ni Domingo.

Ang plasma ay madilaw at likidong sangkap ng dugo na naglalaman ng antibodies na pinaniniwalaang mahalaga sa pagpapalakas ng immune response laban sa bacteria at virus. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.