Abante Tonite Interactive

4,000 Cafgu may P12K bonus sa Disyembre

624

Tinatayang nasa 4,000 miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (Cafgu) Active Auxiliary Service sa Bicol Region ang makakatanggap ng P12,000 ngayong Disyembre bilang bahagi ng financial support sa kanilang serbisyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Major Ricky Aguilar, public affairs chief ng Philippine Army 9th Infantry Division, nakalaan na ang P48 milyong pondo para sa monthly cash assistance sa libo-libong miyembro ng Cafgu na nagbi­gay ng boluntaryong serbisyo sa AFP.

Nabatid na ang bawat miyembro ng Cafgu ay tatanggap ng P12,000, mula sa buwan ng Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon kumpara noong 2018 na nasa P7,000 kada buwan ang kanilang nakukuha subalit bumaba ito sa P2,000 na lang.

Ang mga makatatanggap ng karagdagang financial support na mga miyembro ng Cafgu ay mula sa Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Masbate, at Catanduanes. (Vick Aquino)