Abante Tonite
Mabilis sa Balita

400K toneladang imported galunggong, tilapia hinarang

0 148

Tinututulan ng mga mangingisda ang plano ng tanggapan ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na mag-angkat ng 400,000 toneladang galungong, tilapia at iba pa para punan ang sinasabi nitong kakulangan ng isda sa bansa.

Ayon sa Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas, ang kakulangan sa isda sa katapusan ng taon, partikular na sa galunggong ay nasa 51,765 tonelada lamang dahil 53,825 tonelada ang suplay at ang pangangailangan ay nasa 105,690 tonelada.

Tanong ni Pamalakaya national chair Fernando Hicap, kailan ba matututunan ng DA na hindi pag-aangkat kada taon ang solusyon kundi ang pagsuporta sa produksyon para dumami ang lokal na suplay.

Ani Hicap, malulugi rin ang mga mangingisda oras na binaha na ang merkado ng imported na galunggong at tilapia.

Sa ngayon, nasa P60 hanggang P70 per kilo ang farmgate price ng galunggong at P30 hanggang P40 per kilo naman sa tilapia. Babala ni Hicap, babagsak ito oras na dumating ang mga imported na isda.

Inihalintulad ni Hicap ang nangyayari sa mga mangingisda sa sinapit ng mga magsasaka ng palay. Aniya, bagsak presyo at pagkalugi ang dinadanas ng mga magsasaka at mangingisda sa ginagawang liberalization ng pamahalaan. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.