Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40K health worker kinalat sa Visayas, Mindanao

0 7

Nagtalaga na ang Department of Health ng 40,000 health worker sa iba’t ibang pagamutan sa Visayas at Mindanao dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Ayon sa DOH, nakapagtala ng 13,425 aktibong kaso nitong Hunyo 8 sa Mindanao habang 9,725 bagong kaso naman sa Visayas.
“Ipinag-utos na sa mga pampublikong ospital na bisitahin at pag-aralan ulit ang kanilang COVID-19 surge plans,” ayon kay DOH Undersecretary Abdullah Dumama sa isang online press conference.

Kasabay nito, nabatid na inatasan ng DOH ang mga ospital na ilaan ang 50% ng kanilang bed capacity para sa mga coronavirus patient.

Nalaman na ang hawaan sa nabanggit na mga lugar ay nagmula sa mga pinagtatrabahuhan nila at hindi sa mga residential community.

“Clustering sa workplace ang na-identify natin sa kanila kaya biglang tumaas ang kaso. Dito sa NCR, it’s coming from the communities,” sabi naman ni DOH Usec. Rosario Vergeire.

Ang pagdami aniya ng kaso ay dahil na rin sa nakitang mga foreign COVID-19 variant. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.