Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40K Molnupiravir lumapag sa Maynila

0 55

Dumating na ang in-order ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na 40,000 capsule ng Molnuporavir, isang gamot para mapigilan ang paglala ng COVID-19.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno, dinala sa Sta. Ana Hospital ang mga gamot dahil mayroong sapat na storage facility ang pagamutan para rito.

Ang alkalde ang nanguna sa symbolic turn-over ng ilang kahon ng Molnupiravir sa Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park. Hindi lang aniya mga taga-Maynila ang makikinabang sa Molnupiravir kundi iba pang lugar sa bansa na nangangaila­ngan nito.

Ang Molnupiravir ay nasa merkado na matapos bigyan ng Compassionate Special Permit ng Food and Drug Administration.

Nalaman na ang naturang gamot ay sinasabing makakabawas nang 50% sa posibilidad na maospital o mamatay ang isang pas­yente na nahawa ng COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.