Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40K protocol pasaway nalambat sa NCR

0 195

Inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año na na­kapagtala sila ng 43,480 health protocol violations sa pagitan ng Mayo 15 at Mayo 26, o simula nang maisailalim ang National Capital Region (NCR) Plus bubble sa general community quarantine (GCQ).

“Dito sa National Capital Region, umaabot ng ka­lahati, ng mga 20,000 plus, ‘yong nahuhuli natin na hindi nagma-mask dito. So dapat talaga higpitan pa natin kasi ito ‘yong pinagmumulan ng transmission.”

Ang mga curfew violations naman aniya ay umabot naman sa 26,382 sa kahalintulad na petsa.

Kaugnay nito, sinabi ng kalihim na dapat magtu­lungan ang mga law enforcer, government official, at iba pang organisasyon upang magabayan ang publiko. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.