Abante Tonite
Mabilis sa Balita

40K protocol pasaway swak sa 1 linggong ECQ

0 247

Aabot sa 40,314 katao sa Metro Manila ang sinita ng Philippine National Police (PNP) sa unang linggo ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa pahayag, sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar na ang mga ito ay hinuli, pinagbayad, o binalaan dahil sa paglabag sa mga public health safety protocol at mga qua­rantine guideline.

Naitala ito sa 34 quarantine control points (QCP) sa National Capital Region (NCR) mula Agosto 6 hanggang Agosto 12.

“Since the start of the ECQ implementation in Metro Manila on August 6, your PNP has been accosting an average of 5,759 violators per day,” ayon sa hepe.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kung isasama aniya ang mga lumabag sa apat na probinsya na sakop ng NCR plus, papalo naman ang mga pasaway sa 134,606. Ang daily average umano ng lumalabag sa NCR Plus ay nasa 19,229.

Nasa 2,398 non-authorized persons outside of residence ay na-monitor sa NCR, banggit ng pulisya, habang 3,228 non-APOR ang na-sanction sa NCR Plus. Aabot naman sa 12,272 non-APOR violator ang naitala sa buong bansa.

Samantala, saad ng PNP, nasa 231,856 katao na sa Pilipinas ang lumabag sa mga protocol at guideline, habang 1,243 na ang mga itinayong QCP na binabantayan ng 10,986 pulis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.