Abante Tonite Interactive

40M tweet kay Alden pang-Guinness

0 799

Cover ng Dubai-based magazine na Xpedition for its December issue si Alden Richards.

Siya ang kauna-unahang male cover nila.

Ang ganda rin ng caption ng Xpedition tungkol kay Alden na ipinost nila sa Instagram. “XPEDITION MAGAZINE WINTER ISSUE. ALDEN RICHARDS: THE KING IS AN ISLAND.

“Holding a Guinness World Record for 40 million + tweets (for Aldub) in just few hours, standing the test of time in the show business industry for an unrivalled passion with his craft, acclaimed by his peers for his devotion to art and loved by everyone for his golden heart. @xpeditionmagazine proudly presents our very first MALE COVER – Asia’s Multimedia King and this years Box Office King @aldenrichards02,” ang caption ng Xpeditionmagazine IG account.

May isang larawan kung saan ay nakasuot si Alden ng black polo long sleeves na see-through ang harapan at kitang-kita ang kanyang abs kaya naman nabulabog talaga ang kanyang mga fan.

“Syet ka alden kaya pala tinatago mo muna abs mo dito muna ilalabas. bibili talaga ko nito sobrang hot at gwapo mo,” komento ng isang netizen. (Vinia Vivar)