Abante Tonite
Mabilis sa Balita

41 pang Pinoy abroad na-virus

0 80

Naitala ng Depart­ment of Foreign Affairs (DFA) ang 41 bagong kaso ng mga Pilipino sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 23,156 ang kabuuang bilang ng Pinoy abroad na nasapol ng coronavirus.

Bukod dito, naitala rin ng ahensiya ang 8,380 Pinoy overseas na kasalu­kuyan pang nagpapagaling mula sa virus.

Sa datos din na inila­bas ng DFA, nakasaad na 13,391 na ang Pinoy sa ibang bansa na nakareko­ber mula sa virus habang kabuuang 1,385 naman ang bilang ng mga nasawi.

Nasa 103 na ang mga bansa at teritoryo kung saan may Pinoy na na­hawa sa COVID-19, sa tala pa ng ahensya. (Vienne Angeles)

Leave A Reply

Your email address will not be published.