Abante Tonite
Mabilis sa Balita

41 Pisay scholar pinakasuhan ng COA

0 381

Pinakakasuhan ng Commission on Audit (COA) sa Philippine Science High School (PSHS) ang kabuuang P5.8 milyon na ginastos ng gobyerno para sa pag-aaral ng 41 Pisay scholar matapos na hindi sumunod ang mga ito sa kasunduan na mag-enroll ng science course sa kolehiyo.

Base sa 2019 annual audit report ng COA sa PSHS, matagal na dapat nakolekta sa 41 scholar ng Western Visayas Campus ang P5.8 milyon na ginastos sa kanilang pag-aaral ngunit bigo na singilin ito ni PSHS Executive Director Lilia Habcon kaya mainam na gumawa na ng legal action dito ang PSHS.

“Overdue receivables amounting to P5,814,332.63 from scholars of WVC who did not enroll in Science and Technology courses in colleges remained uncollected; thus, depriving the government of additional funds that could have been utilized to finance other priority programs and projects,” ayon sa COA.

Sabi ng COA, malinaw sa scholarship grant na binibigay ng gobyerno sa mga deserving high school student na ang scholar awardee at ang kanilang mga magulang o guardian ay dapat na mag-reimburse sa PSHS ng monetary value scholarship award kung hindi susunod ang awardee sa napagkasunduan, gaya sa kaso ng 41 scholar na hindi tumuloy na kumuha ng kurso sa kolehiyo na may kaugnayan sa science.

Bilang tugon, sinabi ng PSHS na kanila nang pinupursige na makuha ang monetary value mula sa nasabing 41 scholar. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.