Abante Tonite Interactive

41 suspek sa lligal na droga sumuko sa Maguindanao

120

Apatnapu’t isang suspek sa iligal na droga ang nagpasya nang sumuko sa mga awtoridad sa probinsya ng Maguindanao.

Pinangunahan nina Teddy Biang at Anwaruddin Biang ang pagsurender sa pamahalaan, na kapwa residente ng Brgy. Bulod Sultan Sabaro­ngis Maguindanao.

Sumuko ang nasabing mga tulak ng pinagbabawal na droga sa militar, pulisya, PDEA-ARMM at i-prinesenta ang mga ito Sultan Sabaro­ngis Mayor Ramdatu Angas.

Nabatid na ang pagpapasuko sa 41 ka tao ay pinangunahan ni 33rd Infantry Battalion Comman­ding Officer Lt/Colonel Harold Cabunoc.

“I am grateful that you have finally decided to support our government’s campaign against illegal drugs. We will closely monitor your sincerity in reforming to become productive citizens of this country,” saad ng opisyal.

Kasabay nito’y hi­nimok ng alkalde ang mga sumukong drug pusher na makiisa sa war on drugs sa kanilang komunidad.