Abante Tonite
Mabilis sa Balita

42 cong bistado tig-P1M sa DPWH

0 160

Nadiskubre ni Senador Panfilo `Ping’ Lacson sa kanyang pagkalkal sa panukalang P4.5 trillion budget para sa 2021 na may tig-P1 milyong alokasyon umano ang mahigit 42 congressional district sa bansa.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Lacson na posibleng isiningit ito ng ilang kongresista.

“May nakita pa kami na P1 million uniformly appropriated to several districts. I think around 42 districts all over the country,” ani Lacson.

Nangangahulugan aniya ito na ang isiningit na alokasyon ay ginawa hindi sa General Appropriations Bill sa Kongreso kundi sa National Expenditure Program (NEP) na huli nang isinumite ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

SM food to go Banner Ad

“NEP is still under the executive; that is in the preparation phase of the budget process. Maybe it’s not illegal but it’s in violation of the budget process kasi preparation it starts with the budget ceiling given or issued by the DBM to the different agencies, and the agencies will be summoned to a budget call. Ito ginawa noong March,” sabi pa ni Lacson.

Nauna nang ibinunyag ni Lacson na may P396 bilyong lump sum sa panukalang 2021 budget ng DPWH. Isinumite ng DPWH ang listahan sa Department of Budget and Management (DBM) na ipinasa naman sa Kongreso.

Binanggit na rin dati ng senador na nagkaroon umano ng usapan sa hanay ng mga kongresista bago pa man isinumite sa Kongreso ang budget.

“Following that assumption na merong haggling, galing na nga talaga sa mga congressmen `yong breakdown na sinubmit ng DPWH na nag-increase nga `yong mga local projects specially multi-purpose buildings,” ani Lacson. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.