Abante Tonite
Mabilis sa Balita

42 cruise ship dumating sa bansa

0 354

Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na nasa 16,287 marinong Filipino at mga dayuhan ang na-clear ng boarding inspectors ng ahensiya.

Sa nasabing bilang, 11,189 dito ang Filipino habang 5,098 ang mga dayuhan na dumating mula Abril 16 hanggang Hunyo 15.

Tiniyak naman ng BI na bago pinayagang makababa ng barko ay sumailalim muna ang mga ito sa mandatory quarantine at COVID test.

Sa ngayon, nasa 2,300 marino pa aniya ang naghihintay na makauwi at nananatiling naka-quarantine sa kanilang barko. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.