Abante Tonite Interactive

42 pts ni Harden bomba ng Houston

243

Hindi mapigil ang Houston Rockets kapag gumagana ang 3-poin­ters, nakakapambarako sa loob at nagsasalansan ng puntos sa free throw line.

Tsek lahat ito laban sa Boston Celtics Linggo ng gabi.

Umiskor si James Harden ng 42 bago na-fouled out kulang 2 mi­nutes na lang sa laro, at sinagasaan ng Houston ang Boston 115-104.

Anim na 3s ang isinalpak ni Harden, umiskor ng 40 o higit pa sa pang-24 na pagkakataon nga­yong season.

Nasa fifth spot ng Western Conference ang Rockets (38-25) sa likod ng Portland (39-24) at Oklahoma City (39-24).

Nag-deliver ng walong 3-pointers si Eric Gordon tungo sa 32 points sa Houston.

“We’re finally healthy, so yeah. It feels good,” wika ni Harden. “We winning, guys know their roles, we’re executing defensively, we’re hel­ping each other out, we’re talking. That’s all it’s about.”

Binitbit ng 24 points, 9 rebounds at 6 assists ni Kyrie Irving ang Boston, isa pa lang ang naipanalo sa anim na laro sapul noong All-Star break. Umayuda ng 19 points si Al Horford. Bumaba sa No. 5 sa East ang Celtics (38-26).

Nagawang pigilin ng Boston si Harden sa 14 of 31 shooting at 9 free throw attempts. Pero hindi makakonekta ang Celtics, 37 of 77 lang mula sa field at 8 for 28 sa labas ng arc.

Ibinaon ni Harden ang huling long-range bomb, isang step-back 3 tungo sa 12-point lead ng Houston, pero fouled out siya 1:44 pa nang tawagan ng offensive foul.