Abante Tonite
Mabilis sa Balita

42 pusher swak sa selda

0 41

Umabot sa 42 na mga tulak ang binitbit sa pulisya sa isinagawang magdamagang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa probinsiya ng Cavite.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (CPPO), isinagawa ang operasyon sa pagitan ng alas-otso kamakalawa ng gabi hanggang alas-2:20 kahapon ng umaga sa limang siyudad at walong bayan sa lalawigan.

Nanguna ang Imus City sa pinakamaraming tulak na naaresto na umabot sa 15 habang sumunod ang Dasmariñas City, na may 5; tig-4 naman sa Bacoor City at General Mariano Alvarez (GMA); 3 sa Naic , tig-2 naman ang Cavite City, Gen Trias City at Silang habang tig-1 naman ang Amadeo, Carmona, Magallanes , Kawit at Mendez.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang kakaharapin ng mga dinakip na suspek. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.