Abante Tonite
Mabilis sa Balita

427 Cebu inmate gumaling sa coronavirus

0 173

Kabuuang 427 na bilanggo sa isang kulungan sa Cebu City ang nakarekober sa coronavirus disease.

Sabi ni Jail Warden Julius Aro, nagbunga ang pagtutulungan ng jail management at city government sa mga pasyente. Isa pa raw na magandang balita ay walang naiuulat na bagong kaso ng virus sa Cebu City Jail sa loob ng mahigit isang buwan.

Nakatulong na makontrol ang pagkalat ng infection sa loob ng kulungan na matatagpuan sa Brgy. Kalunasan ang maagang pagtukoy sa mga positibo, pag-isolate sa kanila, at pagbibigay ng lunas. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.