Abante Tonite
Mabilis sa Balita

427 inmate sa Cebu City Jail nagtagumpay kontra COVID

0 202

Kabuuang 427 na bilanggo sa isang kulungan sa Cebu City ang nakarekober sa coronavirus disease.

Sabi ni Jail Warden Julius Aro, nagbunga ang pagtutulungan ng jail management at city government sa mga pasyente.

Isa pa raw na magandang balita ay walang naiuulat na bagong kaso ng virus sa Cebu City Jail sa loob ng mahigit isang buwan.

Nakatulong na makontrol ang pagkalat ng infection sa loob ng kulungan na matatagpuan sa Kalunasan Village ang “early detection”, “isolation” at “treatment” sa mga infected.

Malaking tulong din daw ang donasyon ng city government at ni Mayor Edgar Labella ng mga alcohol at personal protective equipment sa problema. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.